^

PM Sports

Jazz 21 sunod na home win

Pang-masa

SALT LAKE CITY — Ipinoste ng Utah Jazz ang kanilang franchise record na pang-21 sunod na home win matapos pabagsakin ang Chicago Bulls, 113-106, tampok ang 26 points ni star guard Donovan Mitchell.

Kumolekta si center Rudy Gobert ng 19 points at 13 rebounds para sa ikawalong dikit na ratsada ng Jazz (37-11) habang may 19 markers si Fil-Am Jordan Clarkson kasunod ang 18 points ni Bojan Bogdanovic.

Pinamunuan ni Thaddeus Young ang Bulls (19-28) sa kanyang 25 points at may 23 at 16 markers sina Zach LaVine at Nikola Vucevic, ayon sa pagkakasunod.

Sa Sacramento, nagposte si Kyle Kuzma ng 30 points para banderahan ang 115-94 pagbugbog ng nagdedepensang Los Angeles Lakers (30-18) sa Kings (22-26).

Sa Portland, nagpasabog si Giannis Anteto-kounmpo ng 47 points para akayin ang Milwaukee Bucks (31-17) sa 127-109 pagsuwag sa Trail Blazers (29-19).

Sa Tampa, Florida, humataw si Pascal Siakam ng 36 points para pangunahan ang Toronto Raptors (19-30) sa 130-77 paglampaso sa Golden State Warriors (23-26).

Sa Boston, tumipa si Robert Williams ng career-high 20 points, 9 rebounds at 8 assists, habang may 26 markers si Jayson Tatum para sa 118-102 panalo ng Celtics (24-25) sa Houston Rockets (13-35).

Sa New York, umiskor si Luka Doncic ng 26 points sa 99-86 paggupo ng Dallas Mavericks (26-21) sa Knicks (24-25).

Sa Indianapolis, kumamada si reserve guard Miles Bridges ng season-high 23 points para pamunuan ang pito pang nagtala ng double-digits sa 114-97 tagumpay ng Charlotte Hornets (25-23) sa Indiana Pacers (21-26).

Sa New Orleans, nag-lista si Bogdan Bodanovic ng 26 points at may 24 markers si Kevin Huerter sa 126-103 paggiba ng Atlanta Hawks (25-24) sa Pelicans (21-27).

 

 

vuukle comment

UTAH JAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with