^

PM Sports

‘Di pa kontento si Vargas sa ABAP program

Chris Co - Pang-masa
�Di pa kontento si Vargas sa ABAP program
Ricky Vargas

MANILA, Philippines — Palalakasin pa ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang programa nito upang makamit ang inaasam na walong Pinoy qualifiers sa 2024 Olympic Games na idaraos sa Paris, France.

Sinabi ni ABAP president Ricky Vargas na kailangan pang pag-ibayuhin ang pagtuklas at paghubog ng mga boksingero upang maisakatuparan ito.

Partikular na tinukoy ni Vargas ang grassroots development program na pangunahing pinagkukunan ng mga mahuhusay na boksingero.

Maliban dito, kailangan ding bigyan ng tamang exposure at sapat na suporta ang mga atleta para tuluyang maabot ang minimithing tagumpay.

“Noong London Olympics, we have one boxer then two boxers noong 2016 Rio Olympics. This time four bo­xers na tayo sa Tokyo Olympics,” ani Vargas sa kanyang mensahe sa PSA Annual Awards Night noong Sabado.

Tunay na maningning ang rekord ng Pinoy boxing team sa Olympics.

Matatandaang noong 2012 London Olympics, isang boksingero lamang ang nakapasok sa ngalan ni Mark Anthony Barriga at nadoble ito noong 2016 edisyon sa Rio de Janeiro, Brazil nang makasikwat ng tiket sina Rogen Ladon at Charly Suarez.

Lumobo pa ang bilang ng Pinoy qualifiers sa apat sa 2020 Tokyo Olympics na idaraos sa Hulyo kung saan pasok sina Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

“Hopefully, madoble ulit natin sa 2024 Paris Olympics,” dagdag ni Vargas.

Umaasa si Vargas na muling makapag-ambag ang boxing sa kampanya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Sa katunayan, sa 10 medalya ng Pilipinas sa Olympics — lima dito ang galing sa boxing.

Dalawang pilak ang galing kina Anthony Villanueva (1964) at Onyok Velasco (1996) habang tatlong tanso naman mula kina Jose Villanueva (1932), Leopoldo Serantes (1988) at Roel Velasco (1992).

 

vuukle comment

RICKY VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with