Pang-3 titulo ni Orcollo
MANILA, Philippines — Patuloy ang paghataw ni dating world champion Dennis Orcollo nang pagharian nito ang Banks Ring event ng 2021 Midwest Open Billiards Championship na ginaganap sa Michael’s Billiards sa Fairfield sa Ohio, USA.
Nasungkit ni Orcollo ang kampeonato makaraang pabagsakin nito sa championship round si American Mike Leek para makuha ang $8,000 papremyo o katumbas ng halos P400,000.
Tanging $3,000 konsolasyon ang naibulsa ni Leek habang pumangatlo si American Billy Thorpe para sa $1,000 papremyo.
Ito ang ikatlong korona ni Orcollo sa taong ito matapos pagharian ang 10-Ball at One Pocket events sa Michael Montgomery Memorial Championship noong nakaraang buwan.
- Latest