^

PM Sports

Kuyog

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mabigat na jab ang binitawan ni Tokyo-bound lady boxer Irish Magno sa pamamagitan ng FB post na naglalahad ng pagkaantala ng kanilang allowance bilang national athlete.

Marami ang nakidalamhati kay Magno dahil inilahad niya na ang allowance na ito ang inaasahan ng kanyang pamilya upang makaraos sa pang-araw-araw na buhay.

Marami rin ang nakidalamhati at nagbitaw ng sarili nilang rapido.

Ang siste eh tama kaya ang puntirya ng mga nakisawsaw at naki-atake.

Napuntirya ang NSA of the Year Award na ibibigay ng Philippine Sportswriters Association sa Alliance of Boxing Associations in the Philippines (ABAP), ang NSA na kinaaaniban ni Magno.

Matapos sumabog ang kanyang FB post, inalis na ito ni Magno. Pero sa thread ng kanyang post, naihayag niya ang kanyang pasasalamat sa ABAP.

Maliwanag na hindi ABAP ang kanyang puntirya.

At sa pag-alis niya ng kanyang kontrobersyal na post, siya na rin ang umawat sa mga kuyog.

“Good vibes lang po tayo, at magiging ok rin po ang lahat. PATULOY ANG LABAN,” ani Magno.

 

vuukle comment

IRISH MAGNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with