Embiid-less 76ers wagi sa Spurs
PHILADELPHIA — Umiskor si Tobias Harris ng 23 points, habang may 21 markers si Seth Curry para tulu- ngan ang 76ers sa 134-99 pagdaig sa San Antonio Spurs.
Nanalo ang Philadelphia (27-12) bagama’t hindi naglaro si star center Joel Embiid, magpapahinga ng dalawang linggo dahil sa kanyang left knee injury.
Binanderahan nina Derrick White at Drew Eubanks ang San Antonio (19-16) sa kanilang tig-17 points.
Sa San Francisco, itinala ni Draymond Green ang kanyang ika-26 career triple-double sa tinapos niyang 11 points, 12 rebounds at 12 assists para akayin ang Golden State Warriors (20-19) sa 131-119 paggitla sa NBA-leading Utah Jazz (28-10).
Sa New Orleans, nagtala si Zion Williamson ng 27 points kasunod ang 23 markers ni Brandon Ingram para pamunuan ang Pelicans (17-22) sa 135-115 pagdurog sa LAClippers (25-15).
Sa Houston, tumipa si Jaylen Brown ng 24 points at may 23 markers si Jayson Tatum para ihatid ang Boston Celtics (20-18) sa 134-107 paggupo sa Rockets (11-26).
Sa Orlando, nagposte si Jimmy Butler ng 29 points, 9 assists, 7 rebounds at 5 steals para sa 102-97 pagtusta ng Miami Heat (21-18) sa Magic (13-26).
Sa Atlanta, tumapos si John Collins na may 22 points at nag-ambag si Danilo Gallinari ng 20 markers sa 100-82 pag-ligpit ng Hawks (19-20) sa Cleveland Cavaliers (14-24).
Sa Oklahoma City, tumipa si Shai Gilgeous-Alexander ng 30 points sa 128-122 paggiba ng Thunder (17-22) sa Memphis Grizzlies (17-18).
- Latest