^

PM Sports

Homegrown naiiwan

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nakaraos na ang PBA sa kanilang hybrid Rookie Draft at kumpiyansang masisimulan ang Season 46 sa Abril via semi-bubble concept.

Personal na inilahad nina PBA commissioner Willie Marcial at chairman Ricky Vargas ang PBA plan sa kanilang Malacañang meeting kina Executive Secretary Salvador Medialdea at Sen. Bong Go.

At hinihintay na lang ang formal approval ng IATF sa mga steps na tatahakin ng PBA.

Pero isang taon matapos ang government declaration sa lockdown, nanatiling namamahinga ang mga programa ng varsity teams.

Kaya nga lumaki sa record number ang nakalipas na PBA draft pool at ang mga players na eventually eh na-draft dahil maraming collegiate players na tumalon na sa pros at hindi na hinintay ang collegiate play resumption.

Naunsyami ang masigasig na programa ng UP Maroons, Ateneo Blue Eagles, La Salle Archers, San Beda Red Lions at iba pa.

At maraming potensyal ang hindi na-realize ang pangarap na makalaro sa UAAP, NCAA at iba pang collegiate leagues.

Kung lalaon pa ang lockdown, magkakaroon ng vacuum ang Philippine basketball.

Sa ganitong sitwasyon, lalong maiiwan ang homegrown talents kontra sa Fil-foreign players o mga Fil-Ams na nag-lalaro sa US college play.

‘Di nga ba’t nariyan na ang March Madness, isa sa hinihintay na event sa US na magtatanghal ng NCAA champion.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with