^

PM Sports

No. 3 pick na lang ang naiwan sa NLEX

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinakawalan ng NLEX ang solidong No.4 pick nito sa papalapit na 2021 PBA Rookie Draft sa blockbuster three-team trade kasama ang TNT Katropa at Blackwater kahapon.

Unang napunta sa Bossing ang 4th pick ng Road Warriors kapalit nina Roi Sumang, Don Trollano, Maurice Shaw at 2022 second round pick ayon sa multi-player deal na aprubado na ng PBA.

Itinulak naman ng Blackwater ang nakuhang No. 4 pick patungo sa Tropang Giga kapalit sina Simon Enciso at David Semerad.

Nakuha rin ng Bossing ang first round pick sa 2023 at second round pick sa 2024 ng TNT.

 Bunsod nito, ang tanging hawak na lamang ng NLEX ay ang kanilang No. 3 pick sa star-studded draft sa Marso 14 subalit nakakuha naman ng mga beterano sa katauhan nina Sumang at Trollano dagdag pa ang sophomore big man na si Shaw.

Lalo namang lumakas ang backcourt ng Bossing sa pagpares ni Enciso kay Baser Amer, na nakuha nila sa Meralco kapalit si Mac Belo noong nakaraang buwan.

Asinta ng TNT, sa ilalim ng nagbabalik na  coach na si Chot Reyes, ang pambatong Filipino-American guard na si Mikey Williams sa kanilang No. 4 pick.

Ito na ang ikawalong malaking trade ngayong PBA offseason at inaasahan pang madagdagan ilang araw bago ang draft proceedings na gaganapin online sa Linggo.

Nauna nang na-trade sina Bradwyn Guinto sa Rain or Shine, CJ Perez (San Miguel), Belo (Blackwater), Amer (Blackwater), Calvin Abueva (Magnolia), Vic Manuel (Phoenix), Christian Standhardinger (Ginebra) at Greg Slaughter (Northport).

Samantala, inamin naman ni coach Yeng Guiao ang mga ugong-ugong na may planong maglaro sa Japan B. League ang prized guard na si Kiefer Ravena na may offer sa isang koponan doon.

Bagama’t tiniyak ni Guiao na hindi siya haharang sa anomang pangarap ng kanyang manlalaro ay hindi aniya ito magiging madali para kay Ravena na kakapirma lang ng three-year extension contract sa NLEX at may commitment din sa PBA sa ilalim ng Uniform Players’ Contract (UPC).

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with