Standhardinger nag-practice na
MANILA, Philippines — Sumalang na sa ensayo sa Gin Kings ang pinakabagong ka-Barangay na si Christian Standhardinger kahapon matapos ang blockbuster trade sa Northport.
Ito ang kanyang unang pagsasanay sa crowd darling matapos maging kapalitan si Greg Slaughter noong nakaraang linggo.
Malaki ang inaasahan sa 6-foot-8 big man na si Standhardinger na lalo lamang nagpalakas sa solidong Gin Kings bunsod ng kanyang kalibre bilang dating No. 1 overall pick at Best Player of the Conference.
Sa bubble season noong nakaraang taon sa Clark, Pampanga ay nagrehistro siya ng 19.9 puntos at 12.0 rebounds kahit pa nagkasya lang sa 1-10 kartada ang Batang Pier.
Sa parehong torneo ay nag-kampeon ang Ginebra na lalo laging naging paborito sa pagdagdag pa ni Standhardinger.
Subalit ayaw pa-kampante ni Cone na winningest coach sa PBA history hawak ang 23 titulo kabilang na ang limang kampeonato sa Gin Kings.
“Yeah, we’re coming off a couple of championships, and we have gotten Christian to a team that won a championship without Greg. So we have gotten him like an addition,” aniya. “So on paper, we should be competing for that championship. But again, on paper and getting on the floor are two huge different things. So that’s going to be our challenge.”
- Latest