^

PM Sports

Alat sa draft eligibility rule

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Naglaro si Benjie Paras ng 14 PBA seasons kung saan humakot siya ng dalawang MVP trophy, walong Mythical Selection membership, 10-time All-Star selection at napasama sa unang all-PBA team na nanalo ng silver medal noong 1990 Asian Games.

Walang dudang siya ang ama ni Andre Paras. Ang nakakapagpailing ng ulo eh bakit pahirapan ang pagpasok ni Andre sa PBA Rookie Draft. (Siya ay kinokonsidera ng liga na Fil-Am dahil ipinanganak sa US)

At matagal nang naglalaro sa PBA sina Fil-fo-reign players Maverick Ahanmisi at Matt Ganuelas-Rosser. Sumagot pa sila sa tawag na magsilbi sa Gilas sa international competition.

Ang isa pang nakakapagpailing ng ulo eh bakit paduguan din sa pagpasok sa rookie draft process ang kanilang mga kapatid na sina Jerrick Ahanmisi at Brandon Ganuelas-Rosser.

Sa tatlong halimbawa na ito, maliwanag na kailangan irepaso ng kaunti ang PBA screening process.

Dahil sa mahigpit na requirement sa pagpasa ng government documents, mukhang hindi makakalusot ang mga gaya nina Jason Brickman at Jeremiah Gray na makalaro sa PBA.

Pero kahit wala sila, nakikita pa rin na malalim ang pool ang haharap sa PBA teams sa parating na Rookie Draft.

Kawawa lang ang mga super legit na Fil-Ams na etsapwera dahil sa malabnaw na draft eligibility rule.

 

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with