^

PM Sports

Oh bakuna

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Umarangkada na ang vaccination kontra COVID-19 at umaasa ang Philippine sports na maagaagang masama sa mababakunahan ang mga national athletes.

Ang end goal sa pag-asang ito eh madagdagan ang atletang Filipino na makakalaro sa Tokyo Olympics at tumaas ang tsansa na mawakasan na ang pag-asam ng bansa na makamit ang unang Olympic gold.

Malaking factor na mabakunahan na agad ang mga pampatong manlalarong Pinoy upang mawala ang kanilang agam-agam at makapag-focus sa preparasyon para sa Olympic qualifiers at Olympic proper.

Pero kahit na nasa gitna pa rin ng pandemya, mataas ang pag-asa ng Philippine sports na maaaring ito na ang panahon na may Pinoy na tutuntong sa tuktok ng podium habang inaawit ang national anthem.

Kasama sa mga pambato sina gymnast Caloy Yulo, weightlifter Hidilyn Diaz at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

Nandiyan din si pole vaulter EJ Obiena at golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan.

At malamang na masama sa Philippine team si Nesthy Petecio at isa o dalawa pang boxers, skateboard bet Mergielyn Didal at mga pambato mula taekwondo, karate at judo.

Muli, mas magiging suwabe ang kanilang preparasyon kung maagang mabibigyan ng bakuna.

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with