^

PM Sports

Kai Sotto puwede sa 3rd FIBA qualifier

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Kai Sotto puwede sa 3rd FIBA qualifier
Kai Sotto

MANILA, Philippines — Posibleng makapaglaro na sa wakas sa Gilas Pilipinas si Kai Sotto matapos ang nadiskaril na stint noong nakaraang buwan sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, bukas ang pinto ng pederasyon at ng bansa para sa 7-foot-3 teen tower sensation lalo na sa nag-aabang na mas malaking torneo na FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Serbia.

Naunsyami ang pagsalang ng 18-anyos na cager sa FIBA Asia Cup Qualifiers nang maurong ito sa hindi pa alam na petsa mula sa orihinal na Pebrero 18-22 date bunsod ng venue change mula sa Qatar pabalik sa Pilipinas.

Ngayon, puwedeng magpasiklab sa mas malaking tanghalan si Sotto lalo’t kagagaling lang sa masaklap na pakiki-paghiwalay sa NBA G League at mother club na Ignite.

Kung sakali, sasamahan ni Sotto ang ‘best Gilas team’ na planong buuin ng SBP sa tulong ng mga beterano at superstars ng PBA na madalas maging kinatawan ng bansa sa mga engrandeng international tournaments.

Nakatakdang magpulong sa lalong madaling panahon si SBP president Al Panlilio at PBA Commissioner Willie Marcial upang pag-usapan ang magiging hakbang ng dalawang partido sa pag-siguro ng bubuuing malakas na Gilas.

Kung kakailanganin, posibleng mag-adjust ang PBA ng season calendar nito upang makapagbigay daan sa krusyal na kampanya ng Gilas para sa asam na Olympic slot sa Tokyo, Japan.

Nakatakdang magbukas ang 46th PBA Season sa Abril 9 habang sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 3 naman ang FIBA OQT sa Belgrade, Serbia.

Mapapasabak ang Gilas sa Group A kasama ang host na Serbia at Dominican Republic. Nasa Group B naman ang Italy, Senegal at Puerto Rico. Isa lang sa anim na bansa ang aabante sa Tokyo Games.

Hangarin ng Gilas, napili ng FIBA na kapalit ng New Zealand matapos ang pag-atras nito, na makalusot sa OQT upang makatuntong ulit sa prestihiyosong quadrennial tournament matapos ang halos 50 taong appearance drought simula noong 1972 Munich Olympics sa Germany.  (

 

 

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with