^

PM Sports

Abanse Negrense-1 kampeon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinataob ng Abanse Negrense-1 ang paboritong Sta. Lucia Realtors-1 sa pamamagitan ng 21-15, 21-17 desisyon upang masungkit ang kampeonato sa 2021 Beach Volleyball Challenge Cup kahapon sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sand courts.

Naging matibay na sandalan nina Alexa Polidario at Erjane Magdato ang mahusay na court coverage kasama ang matatalim na atake at magagandang ball placements para makuha ng Abanse Negrense-1 ang first set.

Sinubukang makabalik nina Sta Lucia Realtors-1 bets DM Demontano at Jackie Estoquia na dalhin ang laban sa deciding frame nang kunin nito ang 6-4 kalamangan sa pagsisimula ng second set.

Subalit naging pasakit kina Demontano at Estoquia ang ilang krusyal na errors sa attacks at service area upang makaarangkada ng husto ang Abanse Negrense-1 at makuha ang panalo.

Ito ang ikatlong sunod na runner-up finish nina Demontano at Estoquia matapos pumangalawa sa Petron noong 2018 at 2019 edisyon ng PSL.

Nakahirit ng tiket sa finals sina Demontano at Estoquia matapos payukuin sina Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva ng Abanse Negrense-2 sa semifinals (21-18, 16-21, 15-9) habang nanaig naman sina Polidario at Magdato kina Bang Pineda at Jonah Sabete ng Sta. Lucia Realtors-2 sa hiwalay sa semis match (21-18, 21-12).

Ibinulsa nina Cosas at Villanueva ang ikatlong puwesto nang gapiin nito sina Pineda at Sabete iskor na 21-13, 22-20 sa battle-for-bronze.

vuukle comment

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with