^

PM Sports

Abueva ‘di pa sapat sa Magnolia

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pa kuntento ang Magnolia sa pagsungkit kay “The Beast” Calvin Abueva sa plano nitong sumikwat ng isa pang big man sa nalalapit na 2021 PBA Rookie Draft.

Asinta ng Hotshots ang solidong frontcourt prospect sa No. 10 pick, ayon kay coach Chito Victolero, para sa misyong lalong mapalakas ang puwersa sa nalalapit na 46th PBA Season sa Abril.

 “Sa rami ng mga bigs na applicants, kasama ‘yung mga Fil-Ams, siguro naman may aabutan pa kami sa ibang prospects namin,” aniya. “Kaila-ngan talaga namin ng isa pang big. Tingnan natin sa draft.”

Nausog sa No. 10 pick ang Magnolia matapos makipagpalitan ng puwesto sa Phoenix na nakuha na ang No. 6 pick bilang package ng blockbuster na Abueva trade kamakalawa.

Pinakawalan din ng Hotshots si Chris Banchero sa Fuel Masters kasama pa ang No. 18 pick sa ikalawang round ng draft proceedings na nakatakda sa Marso 14.

Ilan sa mga nasa radar ng Magnolia sa solido pa ring No. 10 pick ay sina Santi Santillan, Ben Adamos, James Laput at Larry Muyang na posibleng imbitihan ng Hotshots sa individual workouts upang lalong makilatis.

Plano ng Magnolia na i-pares ang makukuha nilang big man sa bagong alas na si Abueva kasama sina Ian Sangalang, Rafi Reavis at Jackson Corpuz para sa pinalakas na frontcourt.

Sa panig naman ni “The Beast” na huling nag-kampeon sa Alaska noong 2013 ay nangako itong ibubuhos ang lahat upang matulungan ang bagong koponan sa asam na kampeonato.

“I will give my best na makapag-champion tayo. ‘Yun ‘yung number one goal ko rin. Gusto kong maranasan ulit na makapag-champion pa,” ani Abueva sa 2OT podcast na suportado ng Smart.

Huling nanalo ng All-Filipino title ang Hotshots noong 2014 pa at umaasang makakasabay ang pina-angas na roster kontra sa top contenders na San Miguel at TNT kasama ang defending champion na Ginebra sa inaabangang 2021 Philippine Cup.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with