^

PM Sports

Abueva sa Magnolia na

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Abueva sa Magnolia na
Calvin Abueva

MANILA, Philippines — Isang bigating trade na naman ang yumanig sa PBA habang papalapit na ang 2021 PBA Rookie Draft sa Marso at 46th Season opener sa Abril.

Sa trade na ikinagulat ng marami, pinakawalan ng Phoenix Super LPG ang star forward na si Calvin Abueva kahapon patungo sa Magnolia kapalit ni Chris Banchero at dalawang picks sa malalim na draft class sa Marso 14.

Sa ilalim ng blockbuster deal na aprubado na ng Asia’s oldest profession league ay nakuha ng Fuel Masters ang No. 6 at No. 18 picks ng Magnolia. Napunta naman sa Hotshots ang No. 10 pick ng Phoenix dagdag kay Abueva.

Sorpresa ang desisyon ng Phoenix lalo’t kakapirma lamang ni Abueva ng bagong three-year extension sa koponan matapos ang pagbabalik nito  mula sa 16-buwang indefinite suspension.

“It was not an easy decision to let go of a player like Calvin, considering he has been through thick and thin with Phoenix,” ani coach Topex Robinson. “Yet, at the same time, we are excited to acquire a first-round pick from a very deep draft, and together with Chris, who is a superstar in his own right, the team has a great opportunity to grow in the years to come. We thank Calvin for everything he has done for us, and we wish him all the best in his new journey.”

Palalakasin ni Abueva ang frontcourt ng Hotshots na binubuo nina Ian Sangalang, Jack Corpuz, Rafi Reavis at Marc Pingris kasama ang pambatong backcourt nina Paul Lee, Jio Jalalon, Justin Melton at Mark Barroca.

Reunion din ito para kay Abueva at Sangalang na bahagi ng Pinatubo trio dynasty ng San Sebastian sa NCAA kasama si Ronald Pascual.

Nakahanap naman ang Phoenix ng steady point guard sa katauhan ni Banchero na magtitimon ng kanilang opensa sa palibot nina Matthew Wright, Jason Perkins at Justin Chua.

Dagdag pa rito ang No. 6 pick mula sa star-studded draft class na binabanderahan nina Joshua Munzon, Jaime Malonzo, Calvin Oftana at iba pa.

 

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with