^

PM Sports

4-rookies ang makukuha ng NLEX sa PBA Draft

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na bagong players ang makukuha ng big winner na NLEX Road Warriors sa nalalapit na 2021 PBA Rookie Draft sa Marso 14.

May hawak na dalawang magkasunod na picks sa malalim na regular draft, nadagdagan pa ang makukuha ng Road Warriors sa solido ring special Gilas Pilipinas draft na ngayon ay binubuo na ng apat na cadets.

Idinagdag kasi kamakalawa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Will Navarro sa listahan ng mga Gilas candidate kasama sina Jaydee Tungcab, Jordan Heading at Tzaddy Rangel na dahilan upang abutan din ng NLEX ang fourth pick sa special draft.

Orihinal na hawak ng NLEX ang No. 4 pick matapos ang 9th place finish sa 2020 Philippine Cup sa Clark, Pampanga subalit nasikwat din ang No.3 pick mula sa Blackwater dahil sa trade deal tampok si Poy Erram noong nakaraang season kaya nakapwesto ang tropa ni coach Yeng Guiao na maging draft biggest winner.

Swak din sa kanila ang sinoman sa top regular round prospects na binabanderahan nina Joshua Munzon, Jaime Malonzo, Alvin Pasaol, Santi Santillan, Calvin Oftana, Troy Rike, Santi Santillan, Larry Muyang o James Laput.

Bagama’t hindi pa nila magagamit ang special draftees na ipapahiram muna sa Gilas hanggang 2023 FIBA World Cup, palalakasin ng kanilang regular round picks ang intact core sa pangunguna nina Kiefer Ravena, Kevin Alas at JR Quiñahan.

Nauna nang sinabi ni Guiao na wala silang ba-lak pakawalan ang regular round picks nila sa anomang trade package sa kabila ng mga interes sa ibang koponan, papalapit sa draft day.

 

 

vuukle comment

PBA DRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with