Curry pinaulanan ng tres ang Magic
SAN FRANCISCO — Nagsalpak si Stephen Curry ng 10 three-point shots para tumapos na may 40 points at banderahan ang Golden State Warriors sa 111-105 panalo sa Orlando Magic.
Nagtala rin si Curry ng 8 rebounds at 5 assists para sa Warriors (14-12) habang nagdagdag si power forward Draymond Green ng 11 assists.
Pinamunuan ni Nikola Vucevic ang Magic (9-17) sa kanyang 25 points, 13 rebounds at 5 assists.
Sa Houston, nagposte si Jimmy Butler ng triple-double sa kanyang tinapos na 27 points, 10 rebounds at 10 assists para sa 101-94 pagdaig ng Miami Heat (11-14) sa Rockets (11-14).
Nagdagdag si Bam Adebayo ng 10 points, 13 rebounds at 8 assists para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Miami.
Binanderahan nina guards John Wall at Eric Gordon ang Houston, nahulog sa pang-apat na dikit na kamalasan, sa kanilang tig- 17 points.
Sa Portland, nagsalansan si Damian Lillard ng 30 points, 7 assists at 2 boards para tulungan ang Trail Blazers (14-10) sa 118-114 tagumpay laban sa Philadelphia 76ers (18-8).
Sa Boston, pinigilan ng Celtics (13-11) ang kanilang two-game lo-sing skid matapos kunin ang 120-106 panalo sa Toronto Raptors (12-14) na kinatampukan ng career-high 24 points ni Semi Ojeleye.
Sa Detroit, humakot si Domantas Sabonis ng 26 points, 8 rebounds at 8 assists para ihatid ang Indiana Pacers (13-13) sa 111-95 paggupo sa Pistons (6-19).
- Latest