Butler, Adebayo diniskaril si Rose
MIAMI — Diniskaril nina Jimmy Butler at Bam Adebayo ang pagbabalik ni Derrick Rose sa New York matapos angkinin ng Heat ang 98-96 tagumpay sa Knicks at walisin ang kanilang home-and-home series.
Tumapos si Butler na may game-high 26 points habang nagtala si Adebayo ng 19 markers para sa Heat (10-14) na nakahugot ng 20 at 15 points kina Kelly Olynyk at Tyler Herro, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Elfrid Payton ang Knicks (11-15) sa kanyang 18 points at nagdagdag si Rose ng 14 markers.
Sa Utah, bumanat si Donovan Mitchell ng 36 points para igiya ang Jazz (20-5) sa 122-108 paggapi sa Boston Celtics (12-11).
Sa Phialdelphia, nagsumite si Joel Embiid ng 25 points sa 119-111 pagpapabagsak ng 76ers (18-7) sa Sacramento Kings (12-12).
Sa San Antonio, humataw si Stephen Curry ng 32 points at tinapos ng Golden State Warriors (13-12) ang three-game winning streak ng Spurs (14-11) sa pamamagitan ng 114-91 pananaig.
Sa Detroit, kumamada si Jerami Grant ng career-high 32 points at sinamantala ng Pistons (6-18) ang hindi paglalaro ni Kevin Durant sa Brooklyn Nets (14-12) para tangayin ang 122-111 tagumpay.
Sa Portland, naglista si Damian Lillard ng 36 points, 5 boards at 2 assists para akayin ang Trail Blazers (13-10) sa 106-97 paggupo sa Orlando Magic (9-16).
Sa New Orleans, tumipa si reserve Josh Hart ng 20 points at career-high 17 rebounds para pagbidahan ang 130-101 pagrapido ng Pelicans (11-12) sa Houston Rockets (11-13).
- Latest