Obiena 5th sa France meet
MANILA, Philippines — Sa harap ng mga biga-ting pole vaulters sa buong mundo ay tumapos si Olympic Games-bound Ernest John Obiena sa joint fifth place sa Meeting Hauts-de-France Pas-de-Calais sa Arena Stade Couvert sa Lievin, France.
Nalundag ni Obiena ang kanyang mga first attempts sa 5.45 meters at 5.60 meters, ngunit nabigo sa 5.74 sa tatlo niyang attempts.
Parehong tumapos sina Obiena at 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Thiago Braz ng Brazil na may magkatulad na 5.60m para lumagay sa pang-limang puwesto.
Si Braz ang kasama ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist na si Obiena sa kanyang training camp sa Italy at ngayon ay sa Germany.
Nanggaling ang 25-anyos na si Obiena sa pagsikwat sa gold medal ng ISTAF Indoor Meet sa Berlin at sa PSD Bank Indoor Meet sa Dortmund, Germany kung saan siya lumundag ng bagong Philippine record na 5.80m at 5.68m, ayon sa pagkakasunod.
- Latest