^

PM Sports

Dagdag na model

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Gaya nang nakalipas na NBA season, nakaraos din ang National Football League sa gitna ng pandemya.

Nakumpleto nila ang kanilang season na kinapapalooban ng 269 games at natapos sa panalo ng Tampa Bay Buccaneers kontra Kansas City Chiefs, 31-9, sa Super Bowl kahapon sa Tampa, Florida.

Nailaro lahat ng laban at hindi nagkaroon ng game cancellation – maituturing na malaking accomplishment sa harap ng grabeng COVID-19 infection sa America.

Panalo ang liga dahil tinalo nila ang COVID-19 at naisagawa ang Super Bowl, ang No. 1 sports event na sinusundan at pinapanood ng mga Amerikano.

Karagdagan itong mo­delo na pwedeng sundan ng local sports leagues sa kanilang paglalatag ng plano sa pagbabalik laro.

Bukod sa 2020 PBA Philippine Cup, Chooks To Go 3x3, PFL, horseracing at online chess, walang iba pang sports league o event ang nakakabalik dahil sa mahigpit na restrictions.

Kailangan plantsado ang latag ng mga plano kung makukuha nila ang approval ng IATF.

Ang nakalinyang susunod na susubok ma­kabalik ng laro ay ang Premier Volleyball League.

Dahil isa na itong pro league, may tsansang makakuha ng go­vernment go-signal kung makakapag-present ng setup na maisisiguro ang safety ng lahat.

Sabik na ang volleyball nation ng bansa. Sana nga eh makabalik na ang PVL.

 

 

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with