^

PM Sports

Balik Ginebra si Slaughter

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Balik Ginebra si Slaughter
Greg Slaughter

MANILA, Philippines — Higanteng pundasyon ang nagbabalik sa Barangay Ginebra sa katauhan ni Greg Slaughter matapos pumirma ng bagong kontrata para sa papalapit na 46th PBA Season.

Mismong si Gin Kings coach Tim Cone ang nagkumpirma sa malaking development sa kampo ng Barangay para sa misyong madepensahan ang prestihiyosong Philippine Cup.

Nauna nang ipinahiwatig ni Cone ang major return ni ‘Gregzilla’ sa isang Twitter reply sa isang fan kamakalawa ng gabi tungkol sa kanilang plano para sa 2021 PBA Rookie Draft bago tuluyang selyuhan ang ugong-ugong kahapon. “We’re happy to have him back,” ani Cone sa panayam ng PM Sports na hindi muna idinetalye ang bagong kontrata.“He gives us such great versatility and a huge presence in the paint.”

Saktong isang taon ang pagbabalik ng 7-foot-0 sentro sa Gin Kings matapos ang desisyon noong nakaraang Pebrero na magpahinga muna sa basketball kasabay ng contract expiration niya sa koponan.

Bunsod nito, hindi nakasama ang dating Best Player of the Conference sa kampanya ng Gin Kings sa makasaysayang 2020 PBA Season sa Clark bubble sa Pampanga.

Bagama’t wala si Slaughter, kampeon ang Ginebra matapos ang 4-1 tagumpay kontra sa TNT Tropang Giga sa best-of-seven finals upang masikwat ang unang All-Pinoy title sa loob ng 17 taon.

Humingi ng paumanhin si Slaughter lalo na kina San Miguel Corporation president Ramon Ang at sports director Alfrancis Chua bunsod ng biglaang desisyon na pumasok sa indefinite break na lalong nagpaigting sa mga usap-usapan ng kanyang pagbabalik.

Lalakas lalo ang Barangay dahil buo na uli ang  twin tower tandem nina Slaughter at Japeth Aguilar kasama sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Prince Caperal, Joe Devance, Aljon Mariano, Jeff Chan, Jared Dillinger at Stanley Pringle.

 

vuukle comment

GREG SLAUGHTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with