^

PM Sports

Saling pusa

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mainit na usapin sa social media ang SMB-Terrafirma trade agreement involving CJ Perez.

Ganoon din sa kung saan-saang umpukan ng mga PBA followers, kasama na ang Tropang Kubo sa Valenzuela.

Eto ang isang huntahan nila:

Kandong Pabaya: Dapat tanggalin na lang ang trade transactions at pagalingan na lang sa pagpili ng players sa annual rookie draft.

Odie Chua: Eh paano kung ayaw pumirma nung player doon sa team na kumuha sa kanya sa draft?

Kandong: Eh ‘di maghanap siya ng ibang liga na lalaruan. Bawal din dapat ang trading ng draft rights at sundin lang ang draft order, eh sigurado mababalanse ang liga.

Odie: Eh kailan mawawala ang karapatan ng koponan ng isang manlalaro?

Kandong: Kapag ‘di na sila magkasundo, at hindi na papirmahin ng team ang player, doon magiging free agent ang player.

Odie: Nakow may butas ‘yan panukala mo. Puwedeng mag-inarte lang ang magaling na player para bitawan siya ng maliit na team, pagkatapos tatalon sa mas maperang koponan.

Kandong: Eh di i-ban muna three to five years ang mga tinapon na players bago maging eligible uli for recruitment.

Kandong: At eto pa, para masigurong competitive ang lahat ng teams at maganda ang mapanood na laban ng mga fans, ‘yung kulelat lagi sa PBA eh ibaba muna sa D-League, para ‘di siya saling pusa lang sa PBA.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with