^

PM Sports

8-kabayo magtatagisan sa 3YO Maiden race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mag-uunahan sa meta ang walong tigasing batang kabayo para pag­labanan ang nakatayang premyo sa Three-Year-Old & Above Maiden Race ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nakataya ang P40,000 added prize sa mananalo kabayo, paniguradong maraming susuporta sa kalahok na Narrative at magka-kuwadrang Bourne Wardeni at Kess Mai Doug.

May distansyang 1,300 meter race, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Maraming karerista sa facebook page ng karera ang nagkomentong malaki ang tsansa ng Narrative na manalo sa laban.

Rerendahan ni star jockey Jeffrill Zarate ang Narrative, mapapalaban ang mga ito sa lima pang kalahok.

Ang ibang kasali na naghahangad na sumilat sa mga nabanggit na kabayo ay ang Batang Cabrera, Hot Ticket, Always Dreaming, Ninong at Sweet Maxinne.

Hahamigin ng second at third placers ang P10,000 at P5,000 ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

MAIDEN RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with