^

PM Sports

Big 3 ng Nets ‘di umubra kay Sexton

Pang-masa
Big 3 ng Nets �di umubra kay Sexton

CLEVELAND — Sa kabila ng pagbabalik ni Kyrie Irving para makasama sina Kevin Durant at James Harden ay hindi ito na-ging sapat para manalo ang Brooklyn Nets.

Nagpasabog si Collin Sexton ng 42 points para tulungan ang Cavaliers na ilusot ang 147-135 double-overtime win laban sa Nets at sa “Big 3”.

Nagsalpak si Sexton ng apat na three-pointers laban kay Irving at tumipa ng 15 points sa second overtime.

“He played out of his mind,” sabi ni forward Cedi Osman ng Cleveland (7-7) na nagdagdag ng 25 markers. “It was amazing.”

Umiskor naman si Irving ng 37 points sa panig ng Brooklyn (9-7) at may 38 at 21 markers sina Durant at Harden, ayon sa pagkakasunod.

“Two overtimes for my first game back?” ani Irving, sumabak sa una niyang laro sapul noong Ene-ro 5. “You gotta love NBA ball, though. I was smiling when Collin Sexton was making those shots.”

Sa Indianapolis, nagtala si Kristaps Porzingis ng mga season-high totals na 27 points at 12 rebounds para sa 124-111 panalo ng Dallas Mave-ricks (7-7) kontra sa Indiana Pacers (8-6).

Nagposte si Luka Doncic ng triple-double sa kanyang 13 points, 12 rebounds at 11 assists para tapusin ng Mavericks ang una nilang three-game losing skid sa nakaraang dalawang taon.

Sa Philadelphia, humakot si Joel Embiid ng 42 points at 10 rebounds, habang may 22 markers si Tobias Harris sa 117-109 paggiba sa 76ers (10-5) sa Boston Celtics (8-5).

Samantala , umabot na sa 16 laro ang ipinagpaliban ng National Basketball Association (NBA) matapos i-postpone ang laban ng Memphis at Portland dahil ‘di umabot sa minimum na 8-players ang Grizzlies na nalagasan ang roster dahil sa contact tracing.

Magkakaroon na rin ng mga marcials sa gitna ng court para pagbawalan ang mga players sa yakapan at kamayan upang mabawasan ang on-court transmissions.

Mula noong Enero 13 hanggang 19 ay may 11 bagong positive cases sa COVID-19 sa 502 players na na-test.

vuukle comment

JAMES HARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with