^

PM Sports

Terrafirma ang unang pipili

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na taon ay Terrafirma ang No.1 pick sa 2021 PBA Rookie Draft, ayon sa opisyal na draft order na inilabas ng liga kahapon.

Matapos kunin sina CJ Perez noong 2018 at Roosevelt Adams noong 2019, Dyip ulit ang unang pipili sa bigating draft class sa Marso 14 na gaganapin sa ilalim ng virtual set-up bunsod ng pandemya.

Nakuha ng Terrafirma ang top pick matapos mangulelat sa makasaysayang 45th PBA Season na ginanap sa loob ng Clark bubble sa Pampanga sa tinapos nilang 1-10 kartada.

Susundan ang Terrafirma ng Northport sa ikalawang pick at NLEX na nakuha ang third pick mula sa Blackwater matapos ang blockbuster trade tampok si Poy Erram noong nakaraang taon.

NLEX uli ang pipili sa sarili nilang no.4 pick kasunod ang Rain or Shine, Magnolia, Alaska, San Miguel, Meralco, Phoenix, TNT  (mapupunta sa Northport) at kampeon na Barangay Ginebra base sa naging performance nila sa bubble.

Malalim ang pagpipi-lian ng mga koponan na draft class sa pangunguna nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike, Santi Santillan, Jaime Malonzo at Larry Muyang kasama pa ang Fil-Foreign, MPBL, UAAP, NCAA at Chooks 3x3 stars.

Tatalakayin ang de-talye  ng Rookie Draft sa nakatakdang pagpupulong ng PBA Board of Governors sa Enero 28.

Itinakda sa Enero 27 ang deadline ng pagsusumite ng dokumento ng mga draft applicants, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa napapa-finalize ng liga kung paano gagawin ang virtual PBA Rookie Draft.

“If all are available, Jan. 28 is the target date. It’s a day after the deadline for draft application,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Bukod sa rookie draft ay tatalakayin din ng PBA Board ang paglulunsad sa kanilang 3x3 tournament pati na ang usapan nila ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa pagpapahiram ng mga pro players sa Gilas Pilipinas.

“Pag-uusapan namin ang sistema at kung anong tournament at kung papayagan ba ng IATF (Inter-Agency Task Force),” sabi pa ni Marcial na ikinukunsiderang gamitin ang ‘closed-circuit concept’ para sa nasabing torneo.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with