Gabi ni Anthony Davis
HOUSTON — Humataw si Anthony Davis ng 27 points habang may 18 markers si LeBron James para banderahan ang nagdedepensang Los Angeles Lakers sa 120-102 pagpapabagsak sa Rockets.
Ito ang ikaanim na panalo ng La-kers sa huli nilang pitong laro para sa league leading record na ngayong 8-3 at ibinaba ang Rockets sa 3-5 baraha.
“Tonight was just A.D. being A.D. and just having him back in the lineup gives us a whole other dynamic both offensively and defensively,” sabi ni James kay Davis.
Dahil sa bakbakan ng dalawang koponan ay natawagan sila ng pinagsamang limang technical fouls, dalawang flagrant fouls at first-half ejections kina Markieff Morris at DeMarcus Cousins.
Dinomina ng Los Angeles ang laro at binuksan ang fourth quarter ng 10-4 atake para ibaon ang Houston sa 98-79 at lalo pang lumayo sa 108-89.
Umiskor si Christian Wood ng 23 points para sa Rockets at may 20 markers si James Harden.
Sa New York, humakot si Nikola Jokic ng 22 points, 10 rebounds at 5 assists para ihatid ang Denver Nuggets (5-5) sa 114-89 paggupo sa Knicks (5-5).
Nag-ambag si Gary Harris ng 14 points para sa Nuggets, nakahugot kay star guard Jamal Murray ng 9 markers.
Sa Detroit, humugot si Donovan Mitchell ng 13 sa kanyang 28 points sa first quarter para igiya ang Utah Jazz (6-4) sa 96-86 pagdaig sa Pistons (2-8).
Sa Los Angeles, nagpasabog si Kawhi Leo-nard ng season-high 35 points para pangunahan ang 130-127 paglusot ng Clippers (7-4) sa Chicago Bulls (4-7).
- Latest