^

PM Sports

Kailangang magpapayat ni Nesthy Petecio

Russell Cadayona - Pang-masa
Kailangang magpapayat ni Nesthy Petecio
Nesthy Petecio

MANILA, Philippines — Aminado si 2019 AIBA Women’s World Championships gold medalist Nesthy Petecio na hindi niya nabantayan ang kanyang timbang mula nang umuwi sa kanilang probinsya sa Santa Cruz, Davao del Sur.

At sa kanyang pagpasok sa ‘bubble’ training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ay handa siyang magpapayat. “Focus muna ako sa timbang ko talaga. Medyo kumbaga nasa critical tayo pagdating sa timbang eh,” wika ni Petecio.

“May tiwala ako sa mga coaches ko kung ano iyong babaguhin nila sa training ko. Kung ano ang training nila, sige gagawin ko kasi ginusto ko itong ganitong inabot ng timbang ko eh. Alam ko naman iyong parusa, alam ko iyong balik,” dagdag nito.

Isa si Petecio, ang gold medalist sa women’s featherweight division sa 30th Southeast Asian Games noong 2019, sa mga national boxers na papasok sa ‘bubble’ training para sa paghahanda sa qualifiers ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Makakasama ni Petecio sa ‘bubble’ sina 2021 Olympic qualifier Irish Magno (flyweight) at Olympic aspirants Carlo Paalam (light flyweight), Rogen Ladon flyweight) at Ian Clark Bautista (bantamweight). “Naghihintay na lang ako ng flight talaga. Ready na akong masunog iyong mga tabang naipon noong holidays,” wika ni Petecio na kasalukuyang nasa Digos City, Davao del Sur.

Unang papasok ang mga national boxers sa ‘bubble’ sa Enero 15.

 

vuukle comment

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with