^

PM Sports

Derek, naalala ang anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-reminisce si Derek Ramsay sa kanyang anak na si Austin sa Instagram noong nakaraang December 30, 2020.

Pinost ni Derek ang photo nila ng kanyang anak na kuha pa noong 2015. “How time flies,” simpleng caption ni Derek.

Si Austin ay 17 years old na ngayon at nakatira ito sa Dubai kasama ang ex-wife ni Derek na si Mary Christine Jolly. Inamin noon ng aktor na marami siyang pagkukulang sa kanyang anak. “We may have our misunderstandings but always remember I love you and want what’s best for you,” sey ni Derek.

Huling nakasama ni Derek si Austin noong October 2019.

Mag-asawang Rochelle at Arthur sinubok din ng pandemic

Inamin ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na sinubok ng pandemic ang samahan nila bilang mag-asawa.

Dahil sa lockdown ng ilang buwan noong 2020, marami raw silang nadiskubre sa isa’t isa na ‘di pala nila mapagkakasunduan.

Sey ni Rochelle: “Kasi sa bahay, quarantine, ­kaming dalawa. Kapag gising sa umaga siya na naman makikita mo, wala kang trabaho. So, siya naman ako lang makikita niya, so kami lang lagi. Umaga, tanghali, gabi, magdamag. Hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Pero ang maganda doon, bawat araw na mayroon kayong hindi pagkakaintindihan, naaayos ninyo lagi ‘yun. ‘Yun ‘yung nagiging mas stronger pa na relationship.”

Sagot pa ni Arthur: “Kung hindi dahil sa mga pagtatalo namin, hindi kami magiging mas in love sa isa’t-isa.”

Ngayon Bagong Taon, ay hiling nila ang kaligtasan ng bawat isa.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with