^

PM Sports

Gil’s Magic buwenamano sa 2021

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dehado ang unang kabayong nanalo nga-yong 2021 matapos ilam-paso ng Gil’s Magic ang mga nakatunggali sa PHILRACOM Rating Based Handicap System kahapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year awardee Patty Dilema, sinilat ng Gil’s Magic ang mga naliyamado sa laban na Ambet Ko To at Money Gain.

Ipinuwesto ni star jockey Dilema ang Gil’s magic sa pang-apat sa largahan at pinanood lamang ang nasa unahan na The Believer at Universe.

Papasok ng huling kurbada, inaagaw ng Universe ang unahan pero nakakapit ang Gil’s Magic.

Pagkakuha ng Gil’s Magic ang bandera sa huling 100 metro ng laban ay malakas ang dating ng Ambet Ko to ngunit kinapos din.

Tinawid ng Gil’s magic ang meta na may kalahating kabayo lang na agwat sa Ambet Ko To.

Inilista ng Gil’s Magic ang impresibong 1:26 minuto sa 1,400 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Terserong dumating  ang Bishop Blue habang pang-apat ang Born In April.

vuukle comment

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with