^

PM Sports

May laban si EJ Obiena sa Olympic gold sa Tokyo Games

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matayog ang lipad ni Ernest John Obiena sa taong 2020 matapos magpasiklab sa iba’t ibang international tournaments laban sa matitikas na pole vaulters sa mundo.

Aminadong dismayado si Obiena sa pagkakaudlot ng 2020 Olympic Games na idaraos sana sa Tokyo, Japan noong Hulyo.

Nakansela ito dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic at nagpasya ang Tokyo Olympics organizing committee at ang International Olympic Committee na ilipat ito sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 ng 2021.

Sa halip na magmukmok, ipinagpatuloy ni Obiena ang pagsasanay nito sa Formia, Italy kasama si Ukranian coach Vitaly Petrov — ang beteranong mentor na humahawak sa program ng Pinoy champion sa loob na ng anim na taon.

Maningning ang resulta ng kanyang pagsisikap sa ensayo.

Sunud-sunod na international tournaments ang nilahukan ng 25-anyos Southeast Asian Games record holder na nagresulta sa isang ginto, dalawang pilak at tatlong tansong medalya.

Pinakamakislap ang kampanya ni Obiena sa 59th Ostrava Golden Spike Tournament sa Mestsky Stadion sa Ostrava, Czech Republic kung saan nasungkit nito ang gintong medalya sa kanyang matikas na 5.74-meter jump.

Inilampaso nito sina 2016 Rio Olympics champion Thiago Braz ng Brazil,  three-time world indoor champion Renaud Lavillenie ng France at Rio Olympics bronze winner Sam Kendricks ng Amerika.

Nakapilak pa ito sa 13th Triveneto International Meeting sa Trieste, Italy at sa ‘Who is the Finest Pole Vaulter in the World’ competition sa Formia, Italy.

May tanso rin si Obiena sa Rome Diamond League sa Italy, 2020 Poznan Athletics Grand Prix sa Poland at sa Diamond League Athletics Meeting sa Monaco.

Sa kabila ng nagkikislapang medalyang nakamit nito sa 2020, hindi pa tapos ang laban para kay Obiena.

Kaya naman tuloy ang puspusang paghahanda nito para sa mas malalaking torneong lalahukan nito sa susunod na taon.

vuukle comment

OLYMPIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with