May carry over sa WTA at Super 6
MANILA, Philippines — Tiyak na patok agad sa takilya ang unang karera sa taong 2021 dahil tatargetin ng mga karerista ang carry over sa super six.
Hahangarin ng mga karerista na madale ang carry over na P12, 979.65 kung saan may 14 na kabayo ang magtatagisan ng bilis sa PHILRACOM Rating Based Handicap System na pasisibatin sa Race 1 ngayong araw sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
May distansyang 1,400 meter race, posibleng maraming pumili na karerista sa Ambet Ko To, Universe at Bishop Blue na mga angat sa laban sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.
Ang ibang kalahok ay ang Lockdown, Money Gain, Gil’s Magic, Caloocan Girl, Dugong Bughaw, Caloocan Zap, Don Albertini, The Believer, Since When, Barayong at Born In April.
Puntirya rin ng mga karerista ang tamaan ang carry over sa winner take all na P543,964.21 sa Race 2 naman magsisimula.
Kabuuang 15 races ang pakakawalan kaya inaasa-hang masisiyahan ang mga karerista.
- Latest