^

PM Sports

Didal nominadong Skater of the Year

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Didal nominadong Skater of the Year
Margielyn Didal

MANILA, Philippines — Nominado si Filipina skateboarding queen Margielyn Didal sa kauna-unahang Asia Skateboarding Awards 2020 matapos ang pagpapakitang-gilas nga-yong taon sa gitna ng pandemya.

Namumuro ang 21-anyos na si Didal sa prestihiyosong Woman Asia Skater of the Year matapos pagreynahan ang Asian Skateboarding Championships 2020 online skate video contest noong Hunyo.

Sa gitna ng lockdowns sa buong mundo, virtual set-up mula sa tahanan ang torneong sinalihan ng lagpas 100 entries mula sa 38 na bansa sa Asya.

Sa makasaysayang Asia Skateboarding Awards, mapapalaban ang Cebuana pride sa iba pang nominado mula sa 46 na bansa sa kontinente para sa grand prize na $1,500.

Magiging magandang pagtatapos sa 2020 ang parangal kay Didal kung papalarin at magandang panimula sa 2021 dahil hahangad itong makapasok sa Tokyo Olympics sa Hulyo.

Nasa ika-14 na puwesto ngayon si Didal sa world ranking sa women’s street at malaki ang pag-asang makasampa sa Summer Games kapag nagbalik na ang mga qualifiers. Tanging 20 skaters lang aabante sa Tok­yo Olympics  kung saan ipakikilala ang skateboarding bilang opisyal na medal event sa unang pagkakataon.

Bago ang pandemya ay sumungkit si Didal ng dalawang gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginanap dito sa Pilipinas noong nakaraang Disyembre, 2019, isang taon matapos din siyang magkampeon sa 2018 Asian Games. Isa pang Pinoy na si Motic Pa-nugalinog ang kandidato sa Asia Skateboarding Awards matapos ding manalo sa men’s category ng Asian Skateboarding Championships.

vuukle comment

MARGIELYN DIDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with