^

PM Sports

Carry over sa WTA at Pick 6 target ng mga karerista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng ibang karerista na masilo ang mga carry over sa winner take all at Pick 6 sa paglarga ng karera ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Hindi ganoon ka-excited ang mga karerista sa pa-karera ng Philippine Racing Club Inc., (PRCI) pero may ibang nais manaya para masapol ang mga carry over.

Maraming may ayaw sa bagong ipinatutupad ng PRCI na betting system kaya halos ayaw manaya ng mga karerista.

Pitong PHILRACOM Rating Based races ang ilalarga ngayon at magsisimula ang WTA at Pick 6 sa una at pangalawang karera ayon sa pagkakasunod.

May P930,796. 76 ang C.O. sa WTA habang P35,876.75 naman sa Pick 6, inaasahang tatlo hanggang apat na kabayo ang pipiliin ng mga karerista upang malaki ang tsansa nila na maka-two points agad pagsibat ng races 1 at 2.

“Parehong mahirap ang karera sa Race 1 at 2 kaya ako puwedeng tigatlong kabayo ang kukunin ko para maka two points agad tutal tingin ko patok ‘yung Triton na tatakbo sa race 5,” hayag ni Alfonso de Jesus na 45 taon ng karerista.

Bakbakan ang 14 na kabayo sa Race 1 kaya inaasahang papatok sa takilya ang mga kalahok na  Humidor, Amelia at Tidal Wave sa isang PRBHS race.

vuukle comment

RACING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with