^

PM Sports

Cansino mataas pa rin ang respeto kay Ayo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nananatiling mataas ang respeto ni dating University of Santo Tomas (UST) team captain CJ Cansino kay dating Growling Tigers head coach Aldin Ayo sa kabila ng kontrobesiyang kinasangkutan ng UST sa Sorsogon bubble.

Nais ni Cansino na tuldukan na ang isyu at masimulan ang bagong buhay nito sa University of the Philippines na bagong tahanan nito sa UAAP.

Ngunit hindi nito malilimutan ang magandang karanasan nito sa UST kasama si Ayo na itinuring nitong ama sa loob ng ilang taong pananatili sa España-based squad.

“Sobrang bait ni coach Aldin. Tuturuan ka talaga kung ano ‘yung para sa future. ‘Yung relationship namin parang father and son. Sinasabi niya lahat ng dapat mo gawin na kelangan may disiplina,” ani Cansino sa programang Straight-Up.

Malaki ang pasasalamat ni Cansino sa mga natutunan nito sa ilalim ng paggabay ni Ayo na tinawag nitong isa sa pinakamasipag na coaches na nakilala nito.

“Grabe ‘yung dedication niya sa basketball. No sugarcoating. Noong UAAP last season, every after game nagtratrabaho ‘yun. Viewing mga ganun. Grabe magtrabaho ‘yun,” ani Cansino.

“Minsan nagpupunta kami sa bahay nila sa Cubao. Kumakain kami dun. Buong team, nanonood kami ng movies din. Mga ganung bagay,” dagdag pa niya.

vuukle comment

ALDIN AYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with