Michele Gumabao itinalagang Ambassador for Health and Fitness
MANILA, Philippines — May bagong ‘korona’ si volleyball star Michele Gumabao matapos italaga bilang Ambassador for Health and Fitness ng pamunuan ng Miss Universe-Philippines at tungkulin nito ang pagiging spokesperson sa usaping makatutulong sa pagpapaunlad ng kalusugan.
Bahagi ito ng kanyang resposibilidad bilang se-cond runner-up sa 2020 Miss Universe-Philippines.
May kani-kanya ring titulo ang iba pang nanalo gaya ni Miss Universe-Philippine Rabiya Mateo na pinangalanang Ambassador for Education. Magi-ging Ambassador for Culture and the Arts naman si first runner-up Ysabella Ysmael, Ambassador for Tourism si third runner-up Pauline Amelinckz at Ambassador for Gender Equality si fourth runner-up Kimberly Hakenson.
Sa kanyang beauty pageant stint, madalas na nakakukuha ng negatibong kritisismo si Gumabao dahil sa kanyang katawan. Karaniwang balingkinitan, sexy at kurbada ang mga kalahok sa mga beauty pageants.
Madalas na tinatawag ng mga bashers na maskulado ang pangangatawan ni Gumabao dahil sa kanyang pagi-ging atleta subalit proud ito sa hubog ng kanyang katawan na marami nang naibigay na kampeonato sa kanyang iba’t ibang volleyball teams.
- Latest