^

PM Sports

Sinong nagsabi ng ‘ref, lutung-luto’?

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sinong nagsabi ng �ref, lutung-luto�?
Reynel Hugnatan

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Iimbestigahan pa ng PBA ang kontrobersyal na komento ng isang perso­nalidad sa laban ng Ginebra at Meralco kamakalawa ng gabi na narinig nang live sa national TV.

Dahil walang fans sa loob ng AUF Arena sa bubble, dumagundong ang pahayag na “Ref, lutong luto ‘to ah” sa fourth quarter ng laro kung saan lamang ang Gin King sa Bolts, 66-56.

Kung sino ito at kung saan galing na kampo ay hindi pa alam at sinusubukan pa lamang tukuyin ng PBA sa isinasagawang imbestigasyon ayon kay Commissioner Willie Marcial.

“Kailangan malaman kung sino, wala pang makita sa video, hindi nakita ng mga referees.  Walang ebidensya kaya kaila-ngang imbestigahan pa,” ani Marcial.

Gumimbal sa social media at sa national TV ang naturang komento na klarong narinig sa TV na nagbunga sa paghinala ng mga netizens na ang beteranong big man na si Reynel Hugnatan umano ang nagsabi nito. Mariin itong itinanggi ni Hugnatan.

Dahil sa kontrobersyal na komento, trending ang naturang laban ng Bolts at Gin Kings na lumamang ng hanggang 25 puntos. Wagi ang Ginebra, 91-84, para sa 2-1 kartada sa kanilang best-of-five semis series.

Wala pang eksaktong panahon kung kailan matatapos ang imbestigasyon ayon kay Marcial dahil kailangan ng masusing pag-aaral upang matukoy kung sino mismo ang pinagmulan ng pahayag. Hindi pa rin alam kung ano ang magiging parusa rito.

“Kailangan hindi basta-basta. Hindi puwedeng hinala lang. Hindi tayo ganoon maghusga,” dagdag ni Marcial.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with