^

PM Sports

Desisyon ng UAAP kay Ayo depende sa IATF

Chris Co - Pang-masa
Desisyon ng UAAP kay Ayo depende sa IATF
Aldin Ayo

MANILA, Philippines — Nakaabang ang UAAP sa magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) bago talakayin ang apela ni dating University of Santo Tomas (UST) coach  Aldin Ayo na ire-consider ang ipinataw na indefinite ban sa kanya.

Ayon kay UAAP executive director Rebo Saguisag, hihintayin muna ng liga ang magiging resulta ng imbestigasyon ng CHED, DOJ at DILG na siyang magbibigay ng rekomendasyon sa IATF.

Inimbestigahan si Ayo matapos pumutok noong Setyembre ang Sorsogon bubble sa Bicol na pinamunuan nito kasama ang Growling Tigers. Nagbitiw bilang head coach ng UST si Ayo noong Setyembre 4.

Sa resulta ng imbestigasyon ng UAAP na ibinase sa report na isinumite ng UST, lumabas na may nagawang paglabag si Ayo kung saan inilagay nito sa panganib ang kaligtasan ng mga student-athletes na kasama sa Sorsogon bubble at dahil dito, pinatawan ng indefinite ban kay Ayo.

Naglabas ng sariling report ang PNP Sorsogon na inendorso ni Sorsogon Governor Chiz Escudero para linisin ang pangalan ni Ayo sa anumang paglabag sa health and safety protocols.

Ito ang naging batayan ni Ayo para hilingin sa UAAP na bawiin ang indefinite ban.

“For now, it stands that no need, no rush to reverse, revisit, or modify the judgement, kumbaga status quo,” ani Saguisag. “Out of prudence, symmetry, and economy, the Board deemed it best.

 

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with