^

PM Sports

Parity

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Dalawa ang tumapos sa itaas, lima ang one game behind at nakadikit din ang eighth placer.

Gahibla naman na na-miss ng ninth placer ang Magic Eight.

Walang tunay na dominanteng team sa PBA Philippine Cup bubble eliminations dahil ang frontrunners na Barangay Ginebra at Phoenix Super LPG ay parehong lumasap ng tatlong talo.

Ito eh magandang senyales sa balanse ng mga pangunahing koponan ng liga – parity na naghahatid ng exciting na laro.

Pero hindi masasabi ang kaparehong bagay sa tatlong teams (Terrafirma, NorthPort at Blackwater) na nangulelat sa playoffs race.

At least, galing sa semifinal stint ang NorthPort at nag-struggle sa bubble play dahil sa injuries ng mga ace players na sina Robert Bolick at Sean Anthony.

Ang malungkot eh ang patuloy na pananatiling cellar-dwellers ng Blackwater at Terrafirma.

Dahil hindi naging patok ang paggamit nila sa mga nauna nilang top draft rights, patuloy pa rin nilang target ang major breakthrough sa pro league.

Ang kuwestiyon ay ano kaya ang draft order sa darating na PBA Rookie Draft. Sole basis ba ang resulta ng bubble play? May parating ka-yang draft talents na puwedeng umuga ng liga?

Ang sigurado sa ngayon eh ang mga patok na matchups (Ginebra-Rain or Shine, Phoenix-Magnolia, TNT-Alaska, SMB-Meralco) sa quarterfinals na sisipa sa araw na ito.

Mukhang walang kasiguruhan kahit na ang mga Top Four (Ginebra, Phoenix, TNT at SMB) na may tangang twice-to-beat advantage.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with