^

PM Sports

Espejo nagpasiklab sa Bahrain

Chris Co - Pang-masa
Espejo nagpasiklab sa Bahrain
Marck Espejo

MANILA, Philippines — Nagpasiklab agad si five-time UAAP MVP Marck Espejo sa kanyang debut game sa Isa Bin Rashid Volleyball League kahapon ng madaling araw sa Manama, Bahrain.

Tatlong araw matapos lumapag sa Bahrain, hindi alintana ni Espejo ang jetlag nang magpako ito ng 19-puntos tampok ang 18 attacks sa kanyang unang pagsalang sa Middle East ngunit hindi ito sapat para dalhin ang kanyang Bani Jamra team sa panalo matapos yumuko sa Al-Ahli, 13-25, 25-20, 24-26, 18-25.

Wala sa starting lineup ang 6-foot-2 outside hitter na si Espejo ngunit nang ipasok ito sa second set, agad na pinatunayan ni Espejo ang bangis ng isang Pinoy spiker matapos pa-kawalan ang anim na puntos para makuha ng Bani Jamra ang naturang set.

Subalit hindi na umubra ang Bani Jamra sa third st fourth sets laban sa mas beteranong Al-Ahli na runner-up sa nakalipas na season.

Nagpasalamat si Espejo sa mga kababayan nitong nagpuyat at sumuporta sa kanya online.

“Maraming salamat sa puyat at suporta. Bawi next game,” pahayag ni Espejo sa kanyang Twitter account.

Muling masusubukan ang tikas ng Bani Jamra sa pagsagupa nito sa defending champion Al Muharraq sa Linggo.

 

vuukle comment

MARCK ESPEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with