^

PM Sports

Ancajas inintindi na lang ang patutsada ni Casimero

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inintindi na lamang ni Filipino world super flyweight champion Jerwin Ancajas ang pinanggagalingan  ng kababayang si world bantamweight titlist John Riel Casimero na may patama sa kanyang social media post.

Balak umano ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na ilaban si Ancajas, ang International Boxing Federation (IBF) super flyweight title-holder, kay Casimero, ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight king.

“Tatang Bub haha sinawsaw mu pa ‘tong isang bata mo. Walong depensa na, hindi pa gaanong sumisikat. Kasi binibigyan mo lang ng mga mahinang kalaban. Pa’no ‘yan sisikat? Siguro ito na lang gawin mo, isa sawsaw mo na lang sa akin para sisikat. Haha. Tatang BuB, ano ba ‘tong  pinag-gagawa mo? haha,”  post ni Casimero.

Sina Casimero at Ancajas ay nasa bakuran ng MP Promotions ni Manny Pacquiao habang ang Top Rank Promotions ni Arum ay co-promoter ng tubong Panabo City, Davao del Norte.

“Parang nawalan lang ako ng respeto kasi ‘iyong pa-ngalan na lang, banggitin na lang ‘iyong pangalan kong Jerwin. Pero ‘iyong tawag niya sa akin parang bata iyong tawag mo sa akin,” sagot ni Ancajas sa video sa YouTube. “Masaya ako sa mga inabot mo. Ako naman sumusunod lang ako kung anuman ang plano ng Top Rank. Kung gusto ko lang kung sino ang makalaban, wala namang problema sa akin. Pero may mga boss tayo,” dagdag nito.

Ayon kay Ancajas, naiintindihan niya ang istilo ni Casimero (30-4-0, 21 KOs). “Nirerespesto ko rin ‘yung pamamaraan mo kung paano sisikat sa boxing. Iyan ‘yung paraan mo para sumikat ka, iyon nga ikaw iyong ‘Angas ng Pinas’. Wala tayong problema doon. Nirerespeto namin iyan,” sabi ni Ancajas.

Posibleng nadamay lang si Ancajas sa galit ni Casimero kay Arum na nabigong maplantsa ang kanilang unification fight ni Japanese reigning unified bantamweight titlist Naoya “Monster” Inoue (20-0-0, 17 KOs).

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with