^

PM Sports

Paglatag ng schedule

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

“Sagip kapamilya.”

Ito ay nakakatawang linya sa isang headline ng isang sports website sa labang natalo ang Barangay Ginebra sa sister team na San Miguel Beer.

Tinalakay ni coach Tim Cone ang siguradong hakahaka na ibinigay nila ang laro dahil kampante na sila sa Top Four, samantalang sisinghap-singhap sa karera ang San Miguel Beer.

Tunay na malaking buhay ang nakuha ng mga Beermen sa 81-66 panalo kontra sa biglang lalamya-lamyang Gin Kings.

“I assure you I want to beat San Miguel more than anybody. We just don’t have the legs tonight. We were 4-of-31 from the three-point line. I don’t know what happened with TNT against us. We just have dead legs,” ani Cone.

Hinaharap ang ganitong usapin o akusasyon sa PBA dahil sa presensiya ng “sister teams” sa liga – tatlo para sa SMC at tatlo rin sa MVP Group.

Maiiwasan ang usa-ping laglagan, bigayan o tulungan kung paghaharap-harapin ang mga sister teams sa simula pa lang ng conference at hindi sa crucial stage.

***

Kauumpisa pa lang ng Japan B. League, pero nakita na agad na patok ang desisyon ng Sa-en NeoPhoenix na kunin si Thirdy Ravena bilang Asian import.

Malaking impact ang dala ni Ravena, hindi lang sa kanyang laro kung hindi sa kasama niyang malaking followings.

Patok ang views sa B. League games ni Ra-vena na masusundan sa YouTube.

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with