^

PM Sports

United City FC kampeon sa PFL

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinirang na kampeon ang United City FC pagkatapos ma-lock-in ng dalawang linggo sa loob ng bubble ang anim na teams.

Kahit may natitira pang laro ay kinahon na ng  United City FC ang titulo sa Philippines Football League (PFL) na ginaganap sa PFF national training center sa Carmona, Cavite.

Malinis sa apat na laro ang United City FC para sa 12 points at wala nang habol ang mga nasa likuran nila.

Kinalos ng United City FC, dating Ceres-Negros FC, ang Stallion Laguna, 7-1 noong Biyernes para sikwatin ang pang-apat na PFL title.

Napaaga ang pagsilo ng United City FC sa korona matapos ang scoreless draw ng secong running Kaya FC-Iloilo sa Maharlika FC 1991 kaya wala na silang habol sa United City.

Unang nakapuntos ang United City mula sa goal ni Mike Ott  sa sixth mi-nute play.

Naitabla agad ito ng Stallion sa 1-1 pero huling puntos na nila iyon at rumagasa ng anim na goals ang United City FC para sikwatin ang panalo.

No bearing na ang huling laban ng United City laban sa Kaya FC-Iloilo bukas pero kailangan nilang ilaro ito para pormal na tanghaling kampeon.

vuukle comment

FOOTBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with