^

PM Sports

Abueva-Parks ‘di pa pala OK

John Bryan Ulanday - Pang-masa

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Itinanggi ni Rayray Parks Jr. ang mga pahayag ni Calvin Abueva na ayos na ang lahat sa kanila matapos ang chance encounter dito sa loob ng bubble.

“I’m just pissed off that people would publish something that never came out of my mouth. I’m not mad about the comeback. I’m pissed off about the damn line,” sabi ni Parks, anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks.

Sinabi ni Abueva kamakalawa sa programang Sports Page na humingi na siya ng paumanhin kay Parks at nagkaayos na sila.

Noong nakaraang taon ay nagkairi-ngan si Abueva at ang girlfriend ni Parks na sinundan ng insidente kontra kay TNT import Terrence Jones na siyang naging dahilan ng kanyang indefinite suspension na tumagal ng 16 buwan.

*MAGNOLIA CHEERING SQUAD -- Kahit walang fans sa loob ng Smart 5G-powered Angeles University Foun-dation Arena, akala mo ay may sariling cheering squad ang Magnolia Hotshots na malaking tulong sa kanilang tatlong sunod na tagumpay papalapit sa 2020 Philippine Cup restart playoffs.

Sa bawat possession at bawat laro, dagundong ang buong AUF sa sigawan – hindi ng virtual fans – kundi ng sari-ling bench ng Hotshots na walang dudang pinakamaingay sa bubble.

Mula sa starters hanggang sa bihirang gamitin na manlalaro, coaching staff, physical therapists at utility ng Magnolia, walang puknat ang sigawan at may pa-wave pa kada iskor ng koponan.

“Hands up ako sa bench namin. Talagang one family. That’s the testament of our chemistry. ‘Yung teamwork naming kahit sa bench,” ani coach Chito Victolero na nasa Top 8 na ngayon hawak ang 4-4 baraha. “Matagal na kaming magkakasama. Enjoy lang. Masaya lang. Whatever happens, kung saan kami makarating dito. Enjoy lang kasi history na ito sa PBA.”

*HUGNATAN, REAVIS MAY IBU-BUGA PA -- Kalabaw lang ang tumatanda at hindi sina Reynel Hugnatan  (43-gulang) ng Meralco at Rafi Reavis (42-gulang) ng Magnolia na solido pa rin ang minuto sa kanilang 28 minutes per game at 27mpg na average ayon sa pagkakasunod.

Isa si Hugnatan sa top scorers ng Bolts sa iniiskor na 13.00 puntos sa bubble habang anchor sa depensa ng Hotshots si Reavis sahog pa ang 4.8 puntos at 5.4 rebounds.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with