^

PM Sports

Bubble training ng Olympic hopefuls, malapit nang maayos ng PSC

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaasa ang Philippine Sports Commission (PSC) na kaagad mapaplantsa ang kasunduan sa pamunuan ng Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa planong training ‘bubble’ ng mga Olympic Games qualifiers hopefuls.

“Mayroon na kaming talks with the management of Inspire kasi magkakaroon tayo ng bubble training kung sakali sa isang lugar lang sila,” wika ni PSC Commissioner Charles Raymond Maxey.

Tanging ang mga national athletes na mayroon nang tiket sa 2021 Olympics na idaraos sa Tokyo, Japan at mga sasabak lamang sa mga Olympic  qualifying tournaments ang ipapasok sa nasabing training ‘bubble’.

Para mangyari ito ay kailangan pa ng PSC na makakuha ng ‘go signal’ mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) na siyang magtatakda ng gagamiting health at safety protocols sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Ongoing iyong talks na iyan, and hopefully the soonest we can have that bubble started para mag-resume na iyong training ng ating mga atleta,” sabi ni Maxey.

“Iyong ibang bansa matagal na silang nag-resume eh. We are way behind schedule. Itong ating mga atleta they are raring to resume their training again,” dagdag pa ng Commissioner.

Sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang may Olympic berth, habang may 82 pang atleta ang naghahangad ng tiket.

vuukle comment

PSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with