^

PM Sports

Schedule ng PBA bubble apektado

John Bryan Ulanday - Pang-masa

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines —Sa Nobyembre na isasalpak ng PBA ang mga nakanselang laro bunsod ng  mga positibong resulta sa COVID-19 test sa pagpapatuloy ng 2020 Philippine Cup restart dito.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, posibleng sa Nobyembre 5 playdate na isingit ang tatlong nakanselang laro matapos ang ‘false positive’ cases sa bubble.

Ang mga ito ay ang Blackwater-Rain or Shine match noong Linggo at TNT Tropang Giga – Northport nitong Lunes gayundin ang laban ng Blackwater kontra sa Magnolia kahapon.

Nabulabog ang schedule ng PBA noong nakaraang linggo matapos magpositibo ang isang manlalaro ng Elite na nananatili pa rin sa quarantine facility sa Athletes’ Village sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Nagnegatibo na ang naturang player  sa parehong antigen at RT-PCR confirmatory tests kaya ito naging false positive gaya ng nangyari sa unang kaso sangkot ang isang  referee.

Base sa original schedule, matatapos sana ang  All-Filipino Conference elimination round sa Nobyembre 11 dahil nagsimula ang liga noong Oktubre 11 at araw-araw ang laro  ngunit  ngayon ay mababago ang tournament schedule.

*BUBBLE ACTIVITIES MAAAPEKTUHAN-- Inaasahang maaapektuhan din ang mga aktibidades ng PBA teams sa tinutuluyang Quest Hotel dito sa Mimosa Leisure Estate kapag isasalang na ang mga napostpone na games. Iuurong din ang team schedule sa gym at pool workouts gayundin ang practice schedule sa AUF.

Simula noong Setyembre 28 nang magsimulang dumating ang mga koponan sa bubble ay hindi nababago ang schedule sa mga naturang amenities dahil sumasailalim pa ito sa sanitation kada-pagkatapos gamitin ng isang team.

* DAGSA ANG VIRTUAL FANS--Sa kabila naman ng mga pagbabago sa schedule, nakapagtala ng bubble record pagdating sa online viewership.

Bukod sa daan-daang manonood sa virtual screens ng AUF, halos 180,000 na fans ang nanood sa online live stream ng One Sports sa pambihirang overtime game ng Rain or Shine at Ginebra.

Ito na ang pinakarami sa bubble tourney ng PBA na nilagpasan ang 120,000 na record noong Lunes na siyang maugong na pagbabalik ni Calvin Abueva sa Phoenix matapos ang 16 buwang suspensyon.

*RAIN OR SHINE MAY SARI-LING PROTOCOL-- Bukod sa mahigpit na bubble protocols, may sariling precautionary measures din ang Elasto Painters para masiguro ang kaligtasan laban sa coronavirus.

Bukod sa mga jerseys, towels at water bottles, maayos ding sinasalansan kada-laro ang   mga face masks na inilalagay sa zip-lock plastic.

Nakasulat sa mga lalagyan ang kanilang jersey numbers at sumasai-lalim din sa sanitation kada sub in o sub out nila sa mga laro.

May hawak na 4-1 kartada ngayon ang ROS para sa second place.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with