^

PM Sports

Walang nakadikit sa American Factor

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinaan sa tulin sa largahan ng American Factor upang sikwatin ang korona sa 2020 PHILRACOM 2nd Leg 3YO Imported/Local Challenge Stakes race kahapon sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Hindi nakadikit ang liyamadong Tony’s Love sa American Factor sa arangkadahan kaya naman nakalamang agad ang winning horse ng dalawang kabayo sa back stretch.

Dahil walang lutsa sa unahan ay nagawang tumagal sa paghawak ng bandera ang American Factor na nirendahan ni class A jockey Kelvin Abobo.

Tinawid ng American Factor ang meta na may apat na kabayo ang agwat sa nasegundong Sky Candy.

Nakapagtala ng 1:51.2 minuto sa 1,750 meter race ang American Factor sapat upang hamigin ang P600,000 premyo sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commssion.

Nasilo ng  Sky Candy ang P225,000 habang P125,000 at P50,000 ang napunta sa third at fourth placers na Tony’s Love at Spuntastic ayon sa pagkakasunod.

Ang Tony’s Love ang nagwagi sa 1st Leg ng nasabing malaking karera.

Samantala, lupaypay ang balikat ng mga liyamadista matapos manalo ng kabayong  dehado na Sari Baby sa PHILRACOM-RBHS na pinasibat sa Race 2.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with