^

PM Sports

Pasaol bumida sa 2-panalo ng Zamboanga -Family’s Brand Sardines

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Winalis ng liyamadong Zamboanga City-Family’s Brand Sardines ang dalawang nakatunggali sa Pool A group stage playoff ng 1st Leg ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup kahapon sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna.

Pinangunahan ni Alvin Pasaol ang Zamboanga City upang kalusin ang Zamboanga Peninsula Valientes MLV, 21-14 at isinunod ang Sarangani Marlins, 22-19 na nagtulak sa kanila sa quarterfinals kung saan makakasama nila ang top-two teams ng tatlo pang grupo Knockout ang quarterfinals, sunod ang semifinals hanggang sa dalawang teams na lang ang matira.

Mahigpit ang bakbakan sa pagitan ng Family’s Brand Sardines at Marlins na maraming technicals sa laro pero hindi nasindak ang Zamboanga City.

“Sanay na kami sa mga hard fouls, bale mag adjust pa rin kami sa susunod na laro,” pahayag ng team team captain na si Pasaol.

Ang ibang miyembro ng Zamboanga City ay sina Troy Rike, Joshua Munzon at Leonard Santillan. 

Lalaro rin ang Peninsula Valientes MLV sa quarters bunga ng 1-1 karta sila, galing sa panalo kontra sa Marlins at Palayan City matapos ilista ang 2-0 karta sa Pool C.

Top two teams sa bawat legs ang makakalaro sa Grand Finals na gaganapin sa Oktubre 30 kung saan nakataya ang tumataginting na P1M premyo para sa magkakampeon.  Ikakasa ang tatlong susunod na legs bukas, sa Oktubre 25 at 27.

 

vuukle comment

CHOOKS-TO-GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with