^

PM Sports

TNT small ball; si aaron ni norman

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Dahil kulang sa ceiling, puwersadong lumaro ng small ball ang TNT Tropang Giga.

Successful naman at least sa kanilang unang dalawang laro ang TNT kung saan tinalo nila ang Alaska Milk, 100-95 at TerraFirma, 112-101.

Kahit wala na si Kelly Williams, maganda pa rin ang panimula ng TNT sa PBA Clark bubble play.

At ang siguradong malaking katuwaan para sa team management at coaching staff, naipakita agad ng koponan na marami sa kanila ang puwedeng mag-take charge at mag-take over sa laro.

Nagpasabog ng 45 points si RR Pogoy at nag-ambag si Jayson Castro ng 28 markers kontra sa Alaska Aces. Pagkatapos ay kumamada ng 40 points si Rayray Parks at tumikada ng 20 markers si Troy Rosario laban sa TerraFirma.

Pangatlong pagsubok ng mga Tropang Giga ang San Miguel Beer nga-yong gabi sa pagtatapos ng Week One ng kompetisyon sa AUF Gym.

***

Laking tuwa rin ni Meralco coach Norman Black nang mabunot ng Bolts ang unang panalo kung saan may crucial moment ang kanyang anak na si Aaron.

Kasama si Aaron sa nagbida sa kanilang key run na naghatid sa mga Bolts sa 93-81 panalo kontra sa Alaska noong nakaraang gabi.

Naipakita ng batang Black na may lugar siya sa PBA at kaya niyang sumabay sa pro action.

Diin naman ni Norman na hindi niya basta-basta isasalang si Aaron sa laban. Kailangan ni Aaron na i-earn ang kanyang playing minutes. “He is going to grow with the team,” aniya.

vuukle comment

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with