^

PM Sports

Lakers nation ‘di pa muna makakapag-celebrate

Pang-masa

LOS ANGELES — Sariwa pa sa Lakers franchise at sa kanilang mga fans ang pagkopo sa makasaysayan nilang ika-17 kampeonato.

Ngunit ang anumang public celebration sa Los Angeles ay kailangan munang maghintay.

Inihayag kahapon ng Lakers na hindi sila magsasagawa ng anumang klase ng public celebration dahil sa safety precautions tungkol sa coronavirus disease (COVID-19).

“We cannot wait to celebrate our NBA title with our fans,” pahayag ng Lakers management. “After consulting with the City and the County, we all agree that a joyful and inclusive public ce-lebration will take place as soon as it is safe to do so. In the meantime, thank you again, Lakers Nation, for your support!”

Tinalo ng Lakers ang Miami Heat sa Game 6 ng 2020 NBA Finals sa Lake Buena Vista, Florida na tumapos sa kanilang 95-day stay sa loob ng bubble. Nagbalik ang koponan sa Los Angeles kahapon na nakita sa kanilang mga post sa Twitter.

Halos 1,000 tao ang nagtungo sa downtown para ipagdiwang ang paghahari ng Lakers kung saan ang ilan ay dumiretso sa Staples Center, ang home court ng Lakers.

Sa inisyal na pagdiriwang ng mga fans ay ilang makukulit na indibidwal ang naghagis ng mga baso, bote, bato at iba pang bagay sa mga police officers at 30 buildings at businesses naman ang napinsala.

Inaresto ng mga pulis ang 76 katao na sangkot sa nasabing panggugulo.

“As we cheer our @Lakers’ 17th championship, please remember it’s still not safe to gather in groups,’’ tweet ni Los Angeles Mayor Eric Garcetti ukol sa pandemic.

vuukle comment

LAKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with