^

PM Sports

Pogoy bida sa panalo ng tropang giga

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Litaw na litaw ang ‘pangangalawang’ ng mga Tropang Giga at Aces matapos ang pitong buwan na pagkakatengga ng 2020 PBA Philippine Cup ngunit tila wala itong epekto para kay guard RR Pogoy.

Humataw si Pogoy ng career-high na 45 points para banderahan ang TNT Katropa sa 100-95 pag-eskapo sa Alaska sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

“Siguro kumpiyansa lang sa sarili. Blessing din ni Lord,” sambit ni Pogoy sa kanyang isinalpak na 10-of-16 shooting sa three-point line.

Nagdagdag si Jayson Castro ng 28 markers para ibigay sa Tropang Giga ang 1-0 record katabla ang five-time champions San Miguel Beermen sa lide­rato.

Ang salaksak ni rookie guard JC Marcelino ang nagbigay sa Alaska ng 17-point lead, 32-15, sa pagbubukas ng second period bago nakatabla ang TNT Katropa sa halftime, 48-48.

Inagaw ng Tropang Giga, hindi nakuha ang serbis­yo ni Ray Ray Parks, Jr. dahil sa calf strain, ang 89-82 bentahe sa Aces sa 6:01 minuto ng fourth quarter.

Nakadikit ang Alaska sa 93-94 mula sa split ni Vic Manuel sa huling 1:27 minuto ng laro kasunod ang ratsada ni Castro para muling ilayo ang Tropang Giga sa 98-95.

Samantala, magtutuos ang Phoenix at Meralco ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Blackwater at NorthPort sa alas-6:45 ng gabi.

Hindi pa rin binibigyan ng liga ng ‘green light’ si small forward Calvin Abueva sa pagsagupa ng Fuel Masters ni coach Topex Robinson, ipinalit kay Louie Alas, laban sa Bolts.

 

vuukle comment

ACES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with