Isla puting bato maugong sa Juvenile Fillies & Colts stakes
MANILA, Philippines — Maugong ang Isla Puting Bato sa 2020 PHILRACOM 1st Leg Juvenile Fillies & Colts Stakes race na pasisibatin sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, bukas.
Bukod sa Isla Puting Bato na isang filly, ang ibang nagdeklara ng pagsali sa distansyang 1,300 meter race ay ang Work Bell (colt), Kalanggaman Island (filly), Kevlar (fily), Kiss Muna (filly), Lady Susan (filly), Malalison Island (colt), Meteora (filly), My Sweet Lord (colt) at Senyorita (filly).
Inaasahang maganda rin ang ipakikitang performance ng Work Bell na kakuwadra ng kampeon at Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse-of-the-Year Union Bell ayon sa mga karerista na may alam sa background ng mga kalahok.
“Siguradong mainam ‘yang si Work Bell dahil stablemate niya ang Union Bell,” sabi ni Carlito Villanueva na 33 taon nang karerista.
AngUnion Bell ang kampeon sa Juvenile at winalis nito ang lahat ng legs noong nakaraang taon.
Ang nasabing stakes race ay inisponsoran ng Phi-lippine Racing Commission.
- Latest